Tiniyak ng Department of Agriculture na hindi maaapektuhan ang presyo at supply ng karneng baboy kung matutuloy ang nakaambang pork holiday ng mga backyard raisers.
Pinaplano na ng mga backyard hog raiser na magsagawa ng limang araw na pork holiday dahil umano sa talamak na smuggling ng karneng baboy.
Ayon naman kay Agriculture Undersecratary Jose Reaño, ang tunay na problema ay hindi smuggling kundi ang mas mababang presyo ng mga imported na karne.
Katwiran ng D-A, wala itong kapangyarihan sa pagpasok ng mga mas murang iniaangkat na karne dahil ang pilipinas ay miyembro ng World Trade Organization o WTO.
Tags: karneng baboy, pork holiday
Nakaamba na ang pagtaas sa presyo ng karne ng baboy bago matapos ang taon.
Sa pagtaya ng Presidente ng Meat Importers and Traders Association, maaaring umabot ng hanggang bente pesos (P20) ang itataas sa magiging presyo ng imported na karne ng baboy.
Ayon kay Jess Cham, apektado rin sila ng pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar at mataas din ngayon ang demand ng baboy sa world market.
Hihilingin ng grupo sa pamahalaan na panatilihin sana ang mababang taripa para patuloy silang makapag-angkat.
“Kapag ang tariff natin magiging 30% then 30% ang challenge, ang hurdle natin then we cannot compete. Ang mangyayari po we will not be able to buy,” pahayag ni Meat Importers and Traders Association President Jess Cham.
Nilinaw ni House Speaker Gloria Arroyo sa harapan ng mga local producer ng karne na walang babaguhin sa nakapataw na buwis sa mga imported meat.
Naalarma ang mga meat producer na baka mawalan ng gana ang mga nag-aalaga ng baboy lalo na ang mga backyard raisers kung magiging mas mura ang imported na karne dahil sa pagbaba ng taripa.
Ayon sa presidente ng Samahang Industiya ng Agrikultura (SINAG) na si Rosendo So, tiniyak aniya ni Speaker GMA na hindi aamiyendahan ang 35% na taripa sa mga imported meat.
Ayon pa kay So, stable naman ang presyo ng buhay na baboy sa loob ng nakalipas na 2 buwan bagama’t medyo tumaas ang gastos sa pag-aalaga nito. Sa mga susunod na linggo aniya ay posibleng bumaba pa ang presyo ng karne.
Samantala, hindi naman naniniwala si So na may nangyayaring cartel o hoarding ng bigas sa bansa.
Ayon naman kay Speaker Arroyo, posibleng sa mga susunod na araw ay maipasa na sa Kamara ang tariffication bill na magbibigay daan para lumuwag ang pagpasok ng imported na bigas sa bansa.
( Rey Pelayo / UNTV Correspondent )
Tags: karneng baboy, Speaker Arroyo, taripa