Manila, Philippines – Patuloy na naninindigan ang mga senador na bumoto pabor sa “Doble Plaka Law” na ito ang lulutas sa problema ng riding in tandem criminals sa bansa.
Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian, na isa sa mga sumangayon sa pagpapasa ng naturang batas, nakita niya ang magandang layunin nito.
“I think kapag nakita naman doon sa check-point na walang plaka, automatically na ma fla-flag ka dahil may check-point all over. Ngayon, kung na-flag ka at wala kang plaka, huli ka pero kung may plaka ka at mayroon kang masamang gagawin mahuhuli ka naman. “ ani Senator Sherwin Gatchalian
Dahil na rin sa pagtutol ng mga motorcyle riders group sa panukalang doble plaka. Isa sa mga tinitingnang opsyon ng senador ay ang pagbuhay sa panukalang iimprenta sa vest ng rider ang plate number ng kaniyang motor.
“I think they will study if kaya through irr kung hindi kaya through irr then we’ll have to amend the law but ang maganda naman dito napapakinggan ang lahat at kung merong safety concerns then we have to study it carefully and maybe the option of putting the plate number in your vest can be an option” ani Senator Sherwin Gatchalian
Ngunit matagal na rin itong tinutulan ng mga motorcyle group.
“Dagdag pasanin na naman yan sa mga mananakay ng motor, biruin mo magpapagawa sila ng mga vest na ganyan na ang ininsist namin instead na ganyan ang gawin noon is bakit hindi police visibility ang pairaling mabuti” ani Motorcycle Federation of the Philippines Chapter President Mario Montalban.
Kinuha ang ideya ng pag imprenta ng plate number sa vest sa bansang Columbia. Sa ngayon ay hinihintay na lamang ng mga motorcycle riders group ang ilalabas na Implementing Rules and Regulations o IRR ng doble plaka law.
(Nel Maribojoc | Untv News)
Tags: Doble plaka, implementing rules & regulations, Motorcycle Federation of the Philippines IRR