Naiulat na paglalagay ng missile ng China sa isang isla sa West Philippine Sea, pinapasuri na ni Pang. Aquino sa kanyang security cluster

by Radyo La Verdad | February 18, 2016 (Thursday) | 1749

PNOY
Nais ni Pangulong Benigno Aquino the third na maberipika ng Department Of National Defense ang ulat na nag-deploy ang China ng surface-to-air missile sa Woody Island sa West Philippine Sea.

Nakarating kay Pangulong Aquino ang balitang ito bago umuwi ng Pilipinas mula sa kanyang pagdalo sa dalawang araw na U-S-ASEAN Summit sa California.

Ayaw muna magbigay ng pahayag ang pangulo sa ulat dahil wala pa siyang kongkretong impormasyon.

Muli namang nanawagan ang White House sa lahat ng claimants sa West Philippine Sea na resolbahin ang territorial dispute issue sa mapayapang paraan.

“We continue to urge all claimants to clarify their territorial maritime claims in accordance with international law and to commit to peacefully manage it and resolve these disputes. The U.S. interest is not in in any particular claims on any of the land features, but rather in the continued free flow of commerce in this region of the world, that has significant consequences for the global economy and significant consequences for the U.S. economy.” Pahayag ni White House Spokesperson Josh Earnest

Umaasa naman ni United States Secretary of State John Kerry na magkakaroon ng seryosong paguusap ang Estados Unidos at China kaugnay ng ulat na ito na pagde-deploy ng advanced surface-to-air missile system sa West Philippine Sea.

(Nel Maribojoc/UNTV News)

Tags: ,