Naitalang nasawi dahil sa bagyong Odette, umakyat na sa 378 ; bilang ng apektadong pamilya, nasa mahigit 1M na – NDRRMC

by Radyo La Verdad | December 27, 2021 (Monday) | 3993

METRO MANILA – Patuloy na nadadagdagan ang bilang ng mga nasawi dahil sa bagyong Odette.

Sa huling tala ng NDRRMC kahapon (December 26), umakyat na ito sa 378.

Sa nasabing bilang 218 ang unidentified habang 92 ang lalaki at 68 naman ang babae.

742 naman ang naitalang nasugatan ngunit 73 pa lamang dito ang kumpirmado.

Habang 60 naman ang naitalang nawawala.

Umabot na rin sa mahigit 1 milyong pamilya o katumbas ng 3.9 million individuals ang naapektuhan ng bagyo sa Mimaropa, Regions 5,6,7,8,9,10,11, 12 CARAGA at BARMM.

Nananatili naman sa halos 1,200 evacuation centers ang 276,037 individuals.

Samantala, naibalik na ang supply ng kuryente sa 150 lugar mula sa 281 typhoon-affected areas.

(Lea Ylagan | UNTV News)

Tags: