METRO MANILA – Pansamantalang isasara Ngayong Araw (Dec. 3) ang lahat ng terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa Bagyong Tisoy.
Base sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA) suspendido ang operasyon sa lahat ng NAIA terminals mula 11-am mamaya hanggang 11pm ng gabi.
Pinayuhan ni MIAA General Manager Ed Monreal ang mga pasahero na maaapektuhan ng terminal closure na huwag nang pumunta pa sa NAIA at manatili na lamang sa kanilang mga bahay.
Base sa kasalukuyang panuntunan ng otomatikong sinususpinde ang operasyon ng nasabing airport kapag may malalakas na bagyo upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.
Oras na maibalik na ang operasyon bibigyang prayoridad ang mga scheduled flights habang ang mga recovery flights naman ay ia-accomodate ng first come, first serve basis.
(Grace Casin | UNTV News)