Nahuli ng PNP sa isinasagawang checkpoint sa buong bansa, umakyat na sa 56

by Radyo La Verdad | January 14, 2016 (Thursday) | 2920

BARIL
Ilang araw mula nang ipatupad ang COMELEC gun ban kasabay ng pagpasok ng election period, umabot na sa limamput anim ang nahuli ng Philippine National Police sa isinasagawang checkpoint sa buong bansa.

Isa sa nahuli ay ang security guard sa Nueva Ecija na kinilalang si Arcangel Guillermo 52 anyos at residente ng Brgy Mayapyap Sur Cabanatuan City

Kwento nito, pauwi na siya ng bahay dala ang kaniyang 9mm na baril ng mahuli sa checkpoint

Samantala, bukod sa security guard, isang pulis din ang nahuli naman sa checkpoint sa Tondo, Maynila

Kinilala itong si PO1 Marvin Granada na bukod sa 9mm caliber glock 17 ay nakuhanan din ng dalawang sachet ng shabu

Kabilang din sa mga nahuli ay 50 sibilyan din ang nahuli, 1 coastguard, 1 cafgu, at 1 law enforcement officer

Nasa 46 naman ang nakumpiskang baril, 110 na mga deadly weapon at 108 na ammunition.

Ang pagpapatupad ng gunban ay isa sa mga paraan ng gobyerno upang maiwasan ang krimen sa panahon ng eleksyon.

(Grace Doctolero/UNTV News)

Tags: ,