Nahukay na bangkay sa Ucab, Itogon Benguet, umakyat na sa 49

by Radyo La Verdad | September 24, 2018 (Monday) | 8049

Umabot na sa 49 ang naretrieved na bangkay sa Ucab, Itogon, Benguet.

Kahapon ay pito ang nakuhang bangkay kung saan halos lahat ay incomplete body parts na hindi na rin ma-identify ang gender ng bangkay dahil nasa decomposition stage na ang mga ito.

May mga kaanak pa rin ng biktima ang nasa command post at umaasang makikita o makukuha ang bangkay ng kani-kanilang mahal sa buhay na biktima ng killer landslide.

Samantala, sa tala ng Cordillera Disaster Risk Reduction Management Council, as of 3pm kahapon ay 95 na ang naitalang namatay sa pananalasa ng Bagyong Ompong. 13 sa Baguio City, 75 sa Benguet, 1 sa Kalinga at 6 naman sa Mt. Province.

Samantala, 39 naman ang nawawala, 2 sa Baguio City, at 37 naman ang naitala sa Benguet Province.

Sa ngayon ay nakaalis na rin ang mga evacuees sa evacuation center sa Ucab National High School dahil kaninang umaga ay nagresume na rin ang pasok ng mga mag-aaral.

Problema ngayon ng mga evacuees kung saan sila uupa ng matutuluyan dito sa Itogon, Benguet.

 

( Grace Doctolero / UNTV Correspondent )

Tags: , ,