Nagsimula na ngayong araw ang 3rd International Hot Air Balloon Festival sa Lubao, Pampanga.
Ito na ang pinakamalaking Hot Air Balloon Festival sa Southeast Asia.
Inaasahang dadagsa ang may nasa 80,000 hanggang 100,000 turista upang saksihan ang event na ito.
Apat na put isang hot air balloons na makukulay ang makikita dito na may iba’t ibang hugis gaya ng hugis octopus, crocodile, ice cream, mukha ng dalawang unggoy, zebra. Kotse at prutas na orange ng mula sa bansang Germany, Europe, Malaysia at US.
Bukod sa panonood ng makukulay na hot air balloon ay may ibat ibang activities din na maaaring gawin gaya ng picnic at para naman sa mga kabataan ay bubuksan ang kiddie rides at mga inflatable na palaruan.
Ang Hot Air Balloons Festival ay magtatagal hanggang sa darating na linggo.
(Leslie Huidem / UNTV Radio Correspondent)
Tags: 3rd International Hot Air Balloon Festival, Lubao, Pampanga