Nagpakilalang tauhan ng NBI, arestado sa entrapment operation

by Erika Endraca | March 25, 2021 (Thursday) | 28055

Nadakip sa isinagawang Entrapment Operation ng Criminal Investigation and Detection Group Davao City Field Unit at Talomo Police Station ang isang suspek matapos magpakilalang tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Crocodile Park, Diversion Road, Davao City pasado alas-5 ng hapon nitong Marso 23.

Kinilala ang suspek na si Matias Canque Relacion, na kung saan nagpakilalang kawani ng NBI ngunit iginiit ng nasabing ahensya na wala itong koneksyon sa kanila.

Naaktuhan si Relacion sa pagtanggap ng P1,000 cash na marked money galing sa isang buyer.

Nakuha dito ang isang Ingram Sub Machine gun, 38 caliber revolver, anim na NBI ID, isang itim na wallet na may NBI Badge, NBI Reflectorize vest, itim na sling bag, isang silver toyota vitz na may ignition key, isang P1,000 bill bilang marked money at mga bala.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Talomo Police Station ang nasabing suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Firearms and Ammunition Law at Revised Penal Code o Usurpation of Official Function.

(Fe Gayapa | La Verdad Correspondent)

Tags: