Nagpakilalang “Alyas bikoy”, lumutang na

by Erika Endraca | May 7, 2019 (Tuesday) | 5495

Manila, Philippines – Lumutang sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang nagpakilalang si alyas bikoy na umano’y dating miyembro ng illegal drug syndicate, dahil sa umano’y banta sa kaniyang buhay.

Lumapit si Peter Joemel Advincula na si alyas bikoy sa pinakamalaking samahan ng mga abogado ng bansa upang humingi ng tulong sa pagsasampa ng kaso laban sa mga miyembro ng sindikatong pinangalanan niya sa video series na ang totoong narcolist.

Maaalalang siya ang nagsangkot sa malalapit kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa tinaguriang quadrangle group sa umanoý illegal drug trade.

“Kahit kaninong kandidato lalo na sa mga kandidato ng otso diretso o political party. Wala rin akong kaugnayan sa mga media personalities at institusyon na pinangalanan ni pangulong duterte sa kaniyang matrix. At di ko po kilala si rodel jayme na sinasabing nag upload ng video at lahat ng taong pinangalanan niya” ani Peter Joemel Advincula ang nagpakilalang si alyas bikoy.

Ikinwento rin ni alyas bikoy na dati siyang nagtrabaho bilang isang marketing executive sa isang multilevel marketing business.Taong 2010 din umano nang ilipat siya ng kaniyang boss na si Tess Rañola bilang control man ng cctv operations at underground facility sa misibis bay, matapos nito’y nailipat siya sa transmitting and facilitating team.

“Nagdesisyon akong lumabas dahil una may banta sa aking buhay at pangalawa dahil sa konsensya. Nakikita ko ang pagwasak ng pamilya na dulot ng droga na kung saan naging bahagi ako at sa pagpapakalat nito nuong panahong miyembro pa ako. Panahon na para puksain ang pamamayagpag ng sindikatong ito” ani Peter Joemel Advincula ang nagpakilalang si alyas bikoy.

Bahagi umano ng gawain ng kanilang team ay ang pag-iscan ng codes na nakaukit sa mga tattoo ng senior members ng sindikato tulad nina presidential son paolo duterte at dating sap bong go. Pinadala ito sa financial controller ng sindikato na nakabase sa hongkong upang mavalidate ang transaksyon.

Dagdag pa nito anim na taon siyang nabilanggo dahil sa kasong estafa, nakalaya umano siya dahil sa kaniyang good moral character.

Nagkita daw silang muli ni dating Sap Go sa isang pagtitipon ng kumpanya hanggang sa sinabihan siya ng kaniyang mga katrabaho na umalis na lamang dahil sa panganib sa kaniyang buhay.

Nagdesisyon umano siyang magtago noong Agosto 2018 nang mabuo ang kaniyang loob at isiwalat ang kaniyang nalalaman sa naturang sindikato.

Handa umano siyang humarap sa anomang imbestigasyon sa senado upang patotohanan ang mga inilabas niya sa videoserye.

Pero ang PNP iimbestigahan pa rin ang katauhan at mga alegasyon ni bikoy.

Hinimok naman siya  ni Justice Secretary Menardo Guevarra na magpunta sa NBI kung may sapat itong ebidensya laban sa first family.

(Mai Bermudez | Untv News)

Tags: , ,