Nagbebenta at gumagawa ng pekeng lisensya at plaka ng sasakyan, nahuli ng QCPD

by Radyo La Verdad | January 17, 2017 (Tuesday) | 1495

GRACE_NIRAID
Hindi na nakapalag pa ang mga fixer nang maaktuhan sa pagbebenta ng pekeng lisensya sa entrapment operations ng Quezon City Police District.

Nagkunwaring buyer ang isang pulis kaya mabilis na naaresto ang mga ito.

Pinasok rin ng mga pulis ang dalawang bahay sa Brgy.Piñahan na umano’y gawaan naman ng mga pekeng lisensya at plaka ng sasakyan sa bisa ng kanilang hawak na search warrant.

Nakuha rito ang iba’t-ibang klase ng papel, printer, computer at mga dokumentong ginagamit ng mga ito sa paggawa ng pekeng LTO at international license, pekeng plaka, isang caliber-38 at 3 piraso ng bala.

Hawak na ng mga pulis ang mga suspek at nahaharap ngayon sa kasong falsicifation of documents at paglabag sa Section 17 ng Republic Act 4136.

Hindi inaalis ng mga otoridad ang posibilidad na may mga kasabwat empleyado ng LTO ang mga suspek kaya nagagawa nilang ma-acces ang files at system ng ahensya.

Magsasagawa naman ng masusing imbestigasyon ang lto sa kanilang mga tauhan kaugnay ng mga natuklasang ebidensya.

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

Tags: ,