Naburang kontribusyon ng mga retiree, tiniyak na maibabalik – SSS

by Radyo La Verdad | August 12, 2016 (Friday) | 1510

GRACE_SSS
Wala nang dapat ipangamba ang mga retiradong miyembro ng Social Security System dahil naayos ng ahensya ang mga kontribusyong mula 1985 hanggang 1989 dahil sa computer glitch.

Ayon kay SSS Public Affairs and Special Events Vice President Susie Bugante hindi naman tuluyang nabura sa kanilang records ang kontribusyon ang mga SSS pensioner.

Hindi lamang ito naisama sa paga-upgrade nila ng kanilang sistema, kaya kinailangan nilang i-encode ito manually.

Sa ngayon, nakatanggap na ang back payment o adjustment sa kanilang pension ang nasa 150-thousand SSS retirees.

Tiniyak naman ng SSS na maayos nila ang nasabing “computer glitch” sa kalagitnaan ng 2017.

Napasugod naman ng SSS si Tatay Godofredo dahil sa pangambang baka maapektuhan ang kanyang pensyon.

Subalit laking pasalamat niya malaman niyang naayos na ang records ng SSS.

Samantala nais ni Bayan Muna Partylist Rep.Carlos Zarate na paimbestigahan sa House of Representatives ang nangyaring computer glitch sa SSS.

Aniya hindi ito dapat balewalain lalo’t milyun-milyong pilipino ang miyembro ng SSS.

Hanada naman ang sss na humarap at magpalinwanag sakaling ipatawag sila sa Kongreso.

Sa mga nais magtanong sa SSS patungkol sa kanilang retirement pension maaring tumawag sa kanilag hotline 920-6446 hanggang 55.

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

Tags: ,