Naaksidente sa motorsiklo sa Commonwealth Avenue, tinulungan ng UNTV News and Rescue

by Radyo La Verdad | May 21, 2018 (Monday) | 6052

Nakaupo sa gilid ng kalsada, duguan ang mukha at may sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ng datnan ng UNTV News and Rescue Team ang bente dos anyos na si Ryan Guevarra sa tapat ng UP Technohub sa may Commonwealth Avenue, alas onse y medya kagabi.

Ayon sa isang rider na nakakita sa pangyayari, matulin ang pagpapatakbo ng biktima sa kanyang motorsiklo. Nagpagegewang pa ito bago biglang nagpreno at tumilapon ang biktima sa kalsada.

Agad nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV Rescue ang biktima na tumanggi nang magpadala pa sa ospital.

Tinawagan na lamang ng UNTV Rescue ang kaniyanag magulang upang ipaalam ang pangyayari.

Makalipas ang ilang sandali ay dumating ang kaniyang magulang at kapatid upang iuwi sya sa kanilang bahay. Aminado naman ang biktima lasing ito at galing ng inuman.

Tinulungan naman ng UNTV News and Rescue Team ang 49 anyos na si Armin Ayran na Tumilapon mula sa sinasakyan niyang tricycle sa Brgy. Granada Highway, Bacolod City, kahapon ng alas onse ng gabi.

Ayon sa bystander na nakakita ng aksidente, binabaybay ng tricycle na sinasakyan ng biktima ang highway nang may mabilis na motorsiklo na bumangga sa sinasakyang niyang tricycle kaya ito tumilapon sa kalsda. Nagtamo ng mga gasgas sa mukha at tuhod ang biktima at iniinda ang pamamaga ng balikat at pagkahilo.

Agad namang nilapatan ng paunanglunas ng UNTV Rescue Team si Ayran at saka dinala sa Doctor’s Hospital.

Wala namang tinamong pinasala ang driver ng motorsiklo at tricycle.

 

( Victor Cosare / UNTV Correspondent )

Tags: , ,