Mahigit dalawampung milyong balota o tatlumput anim na porsiyento na ang na-imprentang balota na gagamitin sa May nine elections.
Sinabi ng Commission on Elections na ang nasabing bilang ay mula ng simulan ang ballot printing tatlong lingo na ang nakalilipas.
Nauna ng natapos ang pag-iimprenta ng mga balotang gagamitin sa Overseas Absentee Voting at Autonomous Region in Muslim Mindanao o A-R-M-M.
Sa kasalukuyan ang ini-imprenta ay ang mga gagamiting balota sa iba pang probinsya sa Mindanao.
Mahigit sa limampung milyong balota ang gagamitin ng COMELEC sa eleksiyon sa Mayo.
Hindi pa kasama dito ang mga balotang gagamitin sa preliminary logic at accuracy test at final testing and sealing ng Vote Counting Machine.
Tags: 20 milyon na, balota, Mayo