Na-canvass na COC para sa Presidente at VP, 45 na

by Radyo La Verdad | May 26, 2016 (Thursday) | 2520

CANVASSING
Pasado alas nuebe kagabi ng pansamantalang itigil ng National Board of Canvassers ang pagbibilang ng mga boto para sa presidente at bise presidente.

At matapos ang unang araw ng canvassing ay 48 sa 165 Certificates of Canvass ang nabuksan ng NBOC.

45 dito ang nabilang habang tatlo naman ang na-defer dahil sa pagkakaiba ng numero o discrepancy na nasa electronically transmitted COC’s at physically delivered COC’s.

Ang mga ito ay ang Davao del Norte, Ilocus Sur at Laguna.

Ang Ilocos Region ay sinasabing baluarte ni Marcos na mayroong mahigit sa apat na raang libong botante

Ayon kay Sen Aquilino Pimentel III, Chairman ng Senate team sa NBOC, magpapaliwanag mamayang hapon ang Provincial Board of Canvassers ng COMELEC sa mga naturang probinsiya upang linawin ang mga discrepancy

Kapag walang magiging aberya, inaasahang matatapos ito sa lunes at isusunod agad ang proklamasyon sa bagong presidente at bise presidente ng bansa.

Maituturing na ito na ang pinakamabalis na pagsasagawa ng pagbibilang ng boto sa presidente at bise presidente kumpara noong 2010 automated elections na inabot ng nasa dalawang linggo

Sa partial official count ng NBOC sa presidential race, nakakuha na si Presumptive President Elect Rodrigo Duterte ng 4,051, 036 votes, sumunod si Sen. Grace Poe na may 2.4M votes, sumunod sina Roxas, Binay, Santiago at Señeres.

Sa vice presidential race naman, nakakuha si Leni Robredo ng 3,576,643 votes, lamang ng mahigit sa dalawandaang libong boto kay Sen. Bongbong Marcos na nakakuha ng 3.2 milyon votes, sumunod sina Escudero, Cayetano, Trillanes at Honasan.

Alas dos ng hapon ngayong araw ay muling magpapatuloy ang canvassing ng natitira pang isandaan at dalawampung Certificates of Canvass para sa presidente at bise presidente.

(Jerico Albano/UNTV NEWS)

Tags: ,