MWSS, magpapatupad ng dagdag-singil sa tubig simula Enero 2019

by Radyo La Verdad | December 14, 2018 (Friday) | 6415

Sasalubong sa mga consumer sa 2019 ang panibagong dagdag-singil sa tubig.

Ayon kay Metropolitan Waterworks and Sewerage System Chief Regulator Patrick Ty, P1.95 ang itataas sa singil ng Maynilad habang P1.54 naman sa Manila Water.

Ang taas-singil na ito ayon kay Ty ay ibenase umano sa sa 5.7% inflation rate noong Hulyo. Kaya para sa mga consumer ng Maynilad na kumukunsumo ng 10-cubic meter pababa kada buwan, P5.30 ang madadagdag sa inyong mga monthy bill. P20.8 naman para sa mga kumukunsumo ng 20 cubic meter at P41.02 sa 30 cubic meter kada buwan.

Sa mga consumer naman ng Manila Water, P3.34 ang itatas ng inyong water bill para sa kumukunsumo ng 10 cubic meter kada buwan. P7.39 sa 20 cubic meter at P15.01 sa 30 cubic meter.

Nitiyak ni Ty na dumaan sa tamang kompyutasyon ang water rate adjustment na ito.

Nanawagan ito sa publiko na upang hindi masyadong mabigatan sa dagdag-singil na ito ay magtipid at magrecycle ng tubig.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,

Water level sa Angat dam, 2 Metro ang nababawas kada Linggo

by Radyo La Verdad | April 19, 2024 (Friday) | 8938

METRO MANILA – Bumaba sa 193.06 meters ang lebel ng tubig sa Angat dam kahapon (April 18) mula sa 195.10 meters noong April 11.

Batay sa monitoring na isinagawa ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), kada araw naman ay nasa 30-40 centimeter ang nababawas sa dam.

Pinangangambahan na umabot ang lebel ng tubig nito sa 180 meters na minimum operating level ng Angat dam.

Tags: ,

Water pressure sa Metro Manila, planong bawasan ng MWSS

by Radyo La Verdad | March 20, 2024 (Wednesday) | 13385

METRO MANILA – Inihayag ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang plano nitong magpatupad ng water pressure reduction sa susunod na buwan sa Metro Manila.

Sa pamamagitan nito, inaasahang mama-manage ng maayos ang suplay ng tubig sa NCR, ngayong nalalapit na ang panahon ng tag-init sa bansa.

Paglilinaw ng MWSS, hindi naman mawawalan ng tubig ang mga customer kundi babawasan lamang ang pressure tuwing off peak hours.

Kung dati ay umaabot ng ikalawang palapag ng bahay ang tubig sa gripo, maaring hanggang first floor na lamang ang kayang maabot ng tubig kapag binawasan ang pressure nito.

Tags: ,

Maynilad at Manila Water, may taas singil sa susunod na taon

by Radyo La Verdad | December 15, 2023 (Friday) | 22079

METRO MANILA – Aprubado na ng Metropolitan Water Works and Sewerage System (MWSS) regulatory office ang pagtaas sa singil ng Maynilad at Manila Water sa susunod na taon.

Ito ay dahil sa tariff adjustment bunsod naman ng inflation.

Para sa Maynilad customers, nasa P7.87 ang average increase sa kada cubic meter na konsumo.

Katumbas ito ng P4.74 na ang dagdag sa bill kada buwan para sa low-income lifeline consumers o nasa 10 cubic meters and below ang nakokonsumo .

P100.67 sa mga kumukunsumo ng 20 cubic meters at 205.87 sa mga kumukunsumo ng 30 cubic meters.

Para naman sa Manila Water customers, average na dagdag na P6.41 sa kada cubic meter.

Ang epekto nito sa mga residential area na nasa low-income lifeline consumers ay dagdag na P2.96 sa buwanang bill .

Additional na P76.68 na dagdag para sa 20 cubic meters at 154.55 sa mga kumukunsumo ng 30 cubic meters. Mag-uumpisa ang dagdag singil sa 2024.

Payo ng MWSS, sa mga maliliit lang ang sweldo at hindi hihigit sa 10 cubic meters ang konsumo ay maaari namang mag apply bilang mga lifeline customer.

Sa ganitong paaraan ay mas mababa ang magiging rate na kanilang babayaran.

Tags: , ,

More News