MWSS binigyan ng warning ang Manila Water at Maynilad

by Erika Endraca | June 21, 2019 (Friday) | 3861

MANILA, Philippines – Binigyan ng warning ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) regulatory office ang Manila Water at Maynilad kaugnay sa kanilang water service interruption schedule.

Bigo umano ang 2 water concessionaire na sundin ang kanilang inanunsyong schedule.

Batay sa concession agreement, kailangan bigyang abiso ng Maynilad at Manila Water ang kanilang mga customer kung magkakaroon ng problema sa suplay ng tubig.

Ayon sa MWSS, kahit hindi kasalanan ng dalawang kumpanya ang kasalukyang problema sa tubig dahil binawasan ng National Water Resources Board (NWRB) ang alokasyon ng tubig sa Metro Manila mula sa Angat dam, nasa poder naman ng mga ito ang pagpapatupad ng water service interruption.

Kung patuloy na magpapatupad ng water interruption ang mga ito na wala sa kanilang inilabas na schedule ay ituturing ito na paglabag sa concession agreement at maari silang patawan ng panibagong penalty.

Tags: , ,