Museo kung saan nakalagak ang labi ni former Pres. Ferdinand Marcos, sarado parin

by Radyo La Verdad | August 10, 2016 (Wednesday) | 1866

GRACE_MUSEO
Dismayado ang ilang turista matapos hindi makita ang labi ng dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Mausoleum Batac, Ilocos Norte.

Simula pa noong Lunes ay isinara ang mausoleum dahil sa ginagawang maintenance sa lugar.

Ayon sa ilang travels and tours agencies dito sa Batac pangunahin umano na pinapasyalan ng mga turista sa lalawigan ang labi ng dating pangulo.

Kaya’t nangangamba sila sa posibleng epekto nito kapag inilipat na sa libingan ng bayani ang labi ni dating Pangulong Marcos.

Sa tala ng Ferdinand Marcos Presidential Center kapag weekdays ay hindi bababa sa isang daan hanggang dalawang daang turista ang pumupunta sa lugar.

Mas marami ang dumadayo tuwing weekend na aabot sa apat hanggang limang daan.

Fifty pesos ang entrance fee sa mausoleum.

Hindi pa tiyak kung kelan magbubukas muli ang museo.

(Grace Doctolero / UNTV Correspondent)

Tags: , ,