Murder suspect na si Jason Ivler sinentensyahan ng reclusion perpetua ng QCRTC

by Radyo La Verdad | November 24, 2015 (Tuesday) | 2005

JASON-IVLER
Matapos ang anim na taon, sinentasyahan na ng Quezon City Regional Trial Court Branch 84 si murder suspect Jason Ivler ng reclusion perpetua o pagkakakulong ng hindi bababa sa apat na pung taon.

Ito ay kaugnay ng pagpaslang ni Ivler sa anak ng isang Malacanang official noong Nov. 2009 na si Renato Victor Ebarle Jr nang dahil lang sa away sa daan o road rage.

Sa desisyon ng korte, guilty beyond reasonable doubt si Ivler sa krimen at ipinag-utos na magbayad rin ng mahigit 9.3 million pesos na danyos sa pamilya ni Ebarle.

Ayon sa korte, matibay ang ebidensya na ipirinista ng prosekusyon laban sa suspect.

Nanindigan naman si Ivler na wala siyang kasalanan.

Ikinatuwa rin ng grupong Volunteers Against Crime and Corruption o VACC ang naging desisyon ng QC RTC.

Aniya, babantayan ng kanilang grupo ang kaso kung sakali mang umapela pa si Ivler sa mataas na korte.

Sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City ikukulong si Ivler. (Joyce Balancio/UNTV News)

Tags: , , , ,