Ginunita ng mga kababayan nating Bustosenyo ang ika-107 kaarawan ni General Alejo Santos sa bayan ng Bustos, Bulacan.
Kaalinsabay nito ay pinasinayaan na din ang mural history ng bayani at ang binuong Bulacan Military Area na binuong guerrilla na lumaban sa hukbo ng Hapon.
Ngunit tila ang mga kabataan sa ngayon, hindi kilala si General Alejo Santos na naging bahagi ng kasaysayan ng paglaban sa sundalong Hapones.
Kaugnay din ng pagdiriwang ng ikasandaan at pitong kaarawan ni General Alejo Santos, nagkaloob ng wheel chair ang samahan ng mga beterano sa mga senior citizen na nangangailangan.
( Gerry Galicia / UNTV Correspondent )