Muntinlupa City Congressman-elect Ruffy Biazon, nagpiyansa na sa Sandiganbayan sa tatlong kaso nito

by Radyo La Verdad | June 14, 2016 (Tuesday) | 1880

RUFFY-BIAZON
Nagpiyansa na si Muntinlupa City Cong-elect Ruffy Biazon ng 90 thousand pesos sa Sandiganbayan 7th division para sa kasong graft, direct bribery at malversation.

Sumailalim ang kongresista booking procedure kabilang na ang fingerprinting at pagsusumite ng litrato.

Wala pang resolusyon ang korte na may probable cause ang kanyang mga kaso at hindi pa rin na-iisyu ng arrest warrant pero minabuti na ni Biazon na unahan na ito ng piyansa.

Inakusahan si Biazon ng pagkamal ng 3 million pesos mula sa peendorso ng kanyang Priority Development Assistance Fund o PDAF sa mga pekeng NGOs ni Janet Napoles.

Ang PDAF sana na ito ay para sa mga proyekto ng lone district ng muntinlupa para sa taong 2007.

Una nang nandigan si Biazon na wala siyang kinalaman sa pagpili ng mga pekeng NGOs ni Janet Napoles na umano’y hindi nag-implementa ng mga proyekto.

(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)

Tags: ,