Inactivate na rin ng PNP itong Multi Agency Coordination Center na syang magsisilbing monitoring center ng 20 ahensya ng pamahalaan na nakataga sa seguridad ng mga delegado.
Ayon kay APEC Security Task Force Secretariat Head P/SSupt. Nestor Bergonia, ang Multi Agency Coordinating Center ang magbibigay ng real time traffic situation at ang galaw ng convoy ng mga delegado mula sa tinutuluyang hotel ng mga ito patungo sa activity area.
Mayroon itong mga video wall system at radio communicators.
Sa pamamagitan nito ay madali na ring makapagde-deploy ng mga tauhan ang PNP sa eksaktong lugar sakaling magkaroon ng aberya.
Muli namang tiniyak ng pamunuan ng pnp na wala silang namomonitor na security threat para sa pagdaraos ng APEC summit sa bansa.(Lea Ylagan/UNTV Correspondent)