Sa ilalim ng bagong patakaran ng LTFRB, epektibo ang student discount kahit pa sa mga panahong walang pasok. Sakop nito ang summer break, semestral break at weekend.
Babala ng LTFRB, ang sinomang driver o operator na lalabag dito ay papatawan ng limang libong pisong multa para sa unang paglabag.
Sampung libong piso at isang 1 buwan na pagkaka-impound ng sasakyan ang katumbas ng second offense. Habang labinglimang libo at kanselasyon naman ng prangkisa ang parusa sa third offense.
Hinikayat naman ng LTFRB ang mga estudyante na maghain ng pormal na reklamo laban sa mga mapangabusong driver at huwag lamang idaan sa pagpo-post sa social media.
Nagrereklamo naman ang ilang mga driver, lalo’t malaki na anila ang kanilang nalulugi.
Nilinaw naman ng LTFRB na hindi saklaw ng discount ang mga estudyante na naka-enroll sa post graduate studies.
( Joan Nano / UNTV Correspondent )
Tags: 20% student discount, LTFRB, PUV driver