Plano ng dagdagan ng sampunglibong pisong Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang multa para sa mga isnaberong taxi driver.
Sa kasalukuyan, limang libong piso ang penalty sa mga tsuper ng taxi na namimili ng pasahero.
Ayon sa LTFRB, layon nitong turuan ng leksyon ang mga pasaway na driver, particular na ang mga pumapasada sa airport na nakasisira sa imahe ng bansa.
Suportado naman ng mga pasahero at ilang taxi drivers ang panukala ng ahensiya.
Payo rin ng LTFRB sa mga pasahero na kung maaari ay huwag tangkilikin ang mga nangongontratang taxi driver;
At agad isumbong sa kanilang tanggapan ang mga ganitong kaso upang maaksyunan.
(Joan Nano)
Tags: 000, LTFRB, mga taxi driver, P15