Ang pangyayari sa Fukushima noong 2011 ay isa sa mga pinakamalalagim na nuclear accident sa buong mundo kasunod ng aksidente sa Chernobyl noong 1986, ito ay matapos ang 9.1 magnitude earthquake at tsunami na tumama sa Tohoku, Japan.
Dahil dito, libo-libong mga tao ang kinailangang lumikas. Ang malagim na insidenteng ito ang isa sa mga pinangangambahan ng publiko sa pagkakaroon ng nuclear power plants sa bansa.
Kaugnay nito, tutol din ang ilang sektor sa planong pagbuhay sa bataan nuclear power plant.
Ngunit ayon kay Philippine Nuclear Research Institute Director Carlo Arcilla, hindi maaaring maulit ang Fukushima disaster sa BNPP.
May sagot din si Arcilla sa mga nagdududa sa kakayahan ng mga Pilipino na magpatakbo ng sarili nitong power plant. Noong nakaraang buwan ay lumagda na ng memorandum of cooperation ang Department of Energy at ang Russian State Atomic Energy Corporation o ROSATOM upang i-develop ang nuclear energy sa bansa.
( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )
Tags: Bataan Nuclear Power Plant, PNRI, PNRI Director Carlo Arcilla