Muling pagbangon, hangad ng mga residente ng Marawi City matapos makalaya ang syudad sa mga terorista

by Radyo La Verdad | October 18, 2017 (Wednesday) | 1786

Nagdiriwang ngayon ang mga evacuee mula sa Marawi City na naapektuhan ng halos limang buwang kaguluhan sa syudad.

Ngayong idineklara nang malaya ang lungsod mula sa mga terorista, umaasa ang mga ito na agad nang makakabalik sa kanilang lugar upang makabangon mula sa naranasang karahasan.

Ngunit sa kabila ng katuwaan ay di naman maiwasan ng mga ito na mag-alala kung papaano maiibalik sa dati ang kanilang mga kabuhayan.

Karamihan sa kanilang mga pinagkakakitaan ay kasamang nasira dahil sa bakbakan.

Kaya naman hiling din nito na kasabay ng rehabilitasyon at reconstruction ng pamahalaan sa Marawi City ay ang pagbibigay sa kanila ng livelihood assistance.

Hiling din ng mga evacuee na nanunuluyan sa kapitolyo ng Marawi na mabuksan agad ang health center malapit dito dahil marami anila sa kanila ang nagkakasakit na.

 

( Weng Fernandez / UNTV Correspondent )

 

 

 

 

 

 

Tags: , ,