Mt. Mayon, kinakitaan ng pag-agos ng tubig na may halong volcanic materials

by Radyo La Verdad | October 6, 2022 (Thursday) | 17663

Ipinaliwanag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na ang nakitang tila puting guhit sa dalisdis ng Bulkan Mayon sa Albay ay mga volcanic deposits sa naghalo sa tubig ulan kaya’t umagos ito sa paanan ng bundok.

Gayun man, nagpaalala pa rin ang Office of Civil Defense 5 sa local government unit ng mga bayang nasa paligid ng bulkan na maging alerto sa mga posibleng mangyari kung patuloy na magkakaroon ng pagaagus ng maraming tubig sa Mayon.

Patuloy din ang  koordinasyon ng ahensya sa PHIVOLCS maging sa Albay Public Safety and Emergency Management Office hinggil sa kalagayan ng bulkan ngayong patuloy itong kinakikitaan ng aktibidad.

Nananatili pa rin sa ngayon sa alert level 1 ang Mt. Mayon.

Tags: ,