Mt. Mayon, isinailalim na ng PHILVOLCS sa alert level 4

by Radyo La Verdad | January 22, 2018 (Monday) | 2934

Alas 12:34 ngayong hapon nang marinig ang magkakasunod na pagsabog mula sa Bulkang Mayon. Pagkatapos ay sinundan ito ng pagbuga ng makapal na abo mula sa bunganga ng bulkan na umabot sa 10 kilometro ang taas. Bunsod nito, itinataas na ng PHILVOCS ang banta ng bulkan sa alert level 4.

Batay sa paliwanag ng PHILVOCS, ang nangyari kanina ay tinatawag na volcanian eruption, na sinundan ng pyroclastic density currence at pryroclastic flow.

Sa ganitong estado lubha anilang delikado ang mga pyroclastic materials na ibinubuga ng bulkan. Bunsod nito, itinaas na sa alert level 4 ang banta ng Mt. Mayon.

Pinapayuhan na ang mga residenteng nakatirang sa 8 kilometer danger zone na magsilikas na at magtungo sa mga evacuation center.

Dagdag pa ng PHILVOCS, kung dati ay ang mga lugar lamang na nasa South Area ng bulkan ang lubhang apektado ng posibleng pagsabog, ngayon maging ang mga nasa Northeast Section o ang mga bayan ng Tabacco, Sto.Domingo at Legazpi City ay pinalilikas na rin.

Paliwanag pa ng PHILVOCS, dahil nakataas na ang alert level 4, nangangahulugan ito na malaki ang posibilidad na tuluyang sumabog na ang bulkan.

Sa ngayon sinuspinde na muli ni Albay Provincial Governor Al Franchis Bichara ang klase sa lahat ng antas sa buong lalawigan. Pinapayuhan naman ang lahat na magsuot ng face mask at kung maari ay iwasan munang lumabas ng kani-kanilang mga bahay.

 

( Joan Nano / UNTV Correspondent )

Tags: , ,