Mt. Bulusan sa Sorsogon, sumabog kaninang umaga

by Radyo La Verdad | June 16, 2015 (Tuesday) | 2003

mt bulusan
Alas-onse dos kaninang umaga ng magkaroon ng magkakasunod na ash explosion ang Mt. Bulusan sa Sorsogon

Ayon kay Crisfulo Diolata Jr. ang resident volcanologist ng Phivolcs sa Sorsogon ang pagkakaroon ng pressure sa ilalim ng bulkan ang dahilan ng pagsabog nito.

Isa sa mga naging triggering factor ay ang pagbago-bago ng klima na naranasan sa probinsya ng Sorsogon

Sa taya ng Phivolcs umabot sa 500 metro ang taas ng ibinuga nitong abu at usok kasabay ng malakas na pagdagundong sa bulkan

Apektado ng ash fall ang ilang barangay sa bayan ng Juban sa Sorsogon kabilang na ang Brgy Sankayon, Bura-Buran, Bacolod, Mapili, Aniog at Puting Sapa

Tags: ,