Mt. Bulusan, nakataas pa rin sa alert level 1

by Radyo La Verdad | February 9, 2017 (Thursday) | 7943


Nananatiling nakataas pa rin sa alert level 1 ang Mt. Bulusan matapos makapagtala ang PHIVOLCS ng 16 na volcanic quake noong Feb 1.

Ito’y nangangahulugan na may pagalaw o pressure na nagaganap sa ilalim ng bulkan.

Ayon kay mr. Crisber Diolata, Science Research Assistant ng PHIVOLCS ang mt. Bulusan ay isang aktibong bulkan na kahit anong oras ay maaaring sumabog kahit walang naiulat na pagyanig o volcanic earthquake kaya naman patuloy ang kanilang ginagawang monitoring sa nasabing bulkan.

Dagdag pa ni Diolata, patuloy silang nananawagan sa publiko lalo na sa mga residente malapit sa 4 km radius permanent danger zone ng bulkan na huwag papasok at dobleng pag-iingat sa mga lugar gaya ng mapaso,cogon,at patag na madalas daanan ng lahar pagka nagtuloy tuloy ang pag-ulan.

(Melody Miranda / UNTV Radio Correspondent)

Tags: ,