Mt. Bulusan muling nagkaroon ng phreatic eruption

by Radyo La Verdad | June 20, 2016 (Monday) | 922
File Photo:
File Photo:

Muling nakapagtala ng phreatic eruption ang Mt. Bulusan ala una tres ng hapon kahapon.

Batay sa abiso ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tumagal ito ng pitong minuto at umabot sa 3,000 meters ang taas ng ibinugang usok at abo ng bulkan.

Magugunitang noong nakaraang linggo lamang ay nagbuga na rin ng abo ang nasabing bulkan.

Sa kabila nito, ayon sa PHILVOCS walang dapat ipangamba ang publiko hinggil sa posibilidad ng malakas na pagsabog.

Ipinagbabawal pa rin sa publiko ang pagpasok sa four kilometer permanent danger zone ng bulkan.

Pinaiiwasan na rin sa mga piloto ng domestic flights na dumaan sa airspace na malapit sa Bulusan dahil sa volcanic ash.

(UNTV RADIO)