Mt. Bulusan, muling nagbuga ng abo

by Radyo La Verdad | June 24, 2016 (Friday) | 7894

MOUNT-BULUSAN
Muling nagbuga ng makapal na abo ang Mount Bulusan kahapon.

Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology O PHIVOLCS, naitala bandang alas-nueve ng umaga ang pagbuga ng usok at abo na isang low-energy steam-driven eruption.

Ayon sa PHIVOLCS, normal ang pagbubuga ng usok at abo ng bulkan dahil patuloy ang paggalaw ng tubig sa loob nito.

Nananatili namang nasa alert level one ang Mt. Bulusan, na ang ibig sabihin, ay mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng 4 kilometer radius permanent danger zone ng bulkan.

(UNTV RADIO)

Tags: ,