MRT at LRT may libreng sakay sa Linggo

by Radyo La Verdad | June 10, 2016 (Friday) | 1516

lrt
May libreng sakay ang MRT at LRT sa June 12, araw ng Linggo, kaugnay ng 118th Philippine Independence Day Celebration.

Sa inilabas na abiso ng pamunuan ng MRT at LRT, mula alas syete hanggang alas nuebe ng umaga at alas singko ng hapon hanggang alas syete ng gabi ay maaring ma-i-avail ng mga pasahero ang libreng sakay.

Tuwing ipinagdiriwang ang mahahalagang araw sa bansa ay palagi ng nagbibigay ng libreng sakay ang pamunuan ng LRT at MRT.

(UNTV RADIO)

Tags: , ,