MRT, hiring ngayon ng 30 train operators

by Radyo La Verdad | June 8, 2016 (Wednesday) | 2298

MRT
Bukas ang tanggapan ng Metro Rail Transit o MRT para sa sinomang interesado na maging driver o train operator.

Kabilang sa mga requirements ay kailangan nakapagtapos ng kahit anong 2 year course at mayroong professional driver’s license.

Tatlumpung bagong driver ang kailangan ng mrt na magmamaneho sa mga bagong tren galing sa China.

Sasailalim sa tatlumput limang araw na training ang mga papasa upang mapag-aralan ang pagmamaneho sa mga bagong tren ng MRT.

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)

Tags: ,

Oras ng operasyon ng LRT-1, LRT-2, MRT-3 palalawigin simula Dec. 20 – Dec. 23

by Radyo La Verdad | December 20, 2023 (Wednesday) | 17883

METRO MANILA – Palalawigin ang operating hours ng LRT line 1 at 2, at ng MRT–3 simula ngayong December 20 hanggang sa December 23 ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Ito’y dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero dahil sa holiday rush.

Batay sa abiso ng DOTr, mula sa 9:30 pm last trip ng MRT sa North Avenue station, gagagawin na itong 10:30 pm.

Habang hanggang 11pm naman magpapa-pasok ng pasahero sa Taft Avenue station.

Ang LRT-1 naman mula sa 10pm na original schedule sa last trip mula sa Baclaran station ay extended hanggang 10:45pm .

Ang last trip naman sa FPJ station ay 11pm mula sa original schedule na 10:15pm .

Alas-10 naman ng gabi ang huling biyahe ng LRT-2 Antipolo station at 10:30 naman ng gabi sa Recto station.

Ang adjusted holiday operating hours sa mass transit systems ng bansa ay tugon na rin sa panawagan ni Transportation Secretary Jaime Bautista upang mas mapagsilbihan pa ang mga commuter.

Tags: , ,

Pagdaragdag ng mga pasahero sa MRT, LRT at PNR, epektibo na simula ngayong araw (October 19)

by Erika Endraca | October 19, 2020 (Monday) | 45307

METRO MANILA – Dadagdagan na rin ang bilang ng mga pasahero na pwedeng sumakay sa MRT 3, LRT-1, LRT-2 at PNR, matapos payagan ang one seat apart policy sa mga pampublikong sasakyan.

Mula sa dating 13 hanggang 18% na capacity ng mga tren, itinaas ito ng Department Of Transportation (DOTr) sa 30%.

Dahil dito magiging 372 pasahero na sa kada tren ng MRT ang papayagang sumakay sa bawat biyahe.

370 na sa LRT-1, 486 sa LRT-2, habang nasa 172 hanggang 300 pasahero naman sa PNR depende sa istilo ng tren.

Sa isang pahayag sinabi ni DOTr Undersecretary for Railways Timothy John Batan na dahan-dahan na nilang dadagdagan ang kapasidad ng mga tren kaalinsabay ng pagbubukas ng ekonomiya, pero binigyang diin pa rin nito ang kahalagahan na masunod ng mga commuter ang minimum health standards.

Pangunahin na rito ang pagsusuot ng facemask, face shield at pagbabawal na kumain, at magsalita sa loob ng mga pampublikong sasakyan. Bawal pa ring sumakay ang mga pasaherong may sintomas ng Covid-19

Mahigpit ding ipinatutupad ang regular na disinfection, pagkakaroon ng maayos na ventilation at pagsunod sa physical distancing.

(Joan Nano | UNTV News)

Tags: , ,

34 sa 46 escalators ng MRT Line 3, fully operational na

by Radyo La Verdad | November 15, 2019 (Friday) | 43111
Photo: DOTr – MRT 3 | Facebook

METRO MANILA, Philippines – Kabilang sa patuloy na malawakang rehabilitasyon ng Metro Rail Transit o MRT Line 3 ang pagkukumpuni ng escalators sa mga istasyon ng tren sa kahabaan ng EDSA.

Apat napu’t-anim ang kabuuang bilang ng mga escalators ng MRT 3 sa mga istasyon nito. Ngunit bago muling magsilbi bilang maintenance provider ang Sumitomo-MHI-TESP sa MRT noong nakaraang taon, dalawampu lang ang gumagana sa mga ito. Ibig sabihin, dalawampu’t anim o mahigit kalahating porsyento sa mga escalator ng naturang railway ay hindi operational o sira.

Matapos ang mahigit isang taon, ipinahayag ng pamunuan ng MRT-3 na umaabot na tatlumpu’t-apat na escalators ang magagamit o fully operational na.

Pinakahuling naisaayos ay ang dalawang escalator units sa parehong Southbound ng Boni at Ayala Stations. Malaking ginahawa ito para sa mga pasahero lalo pa sa mga senior citizens, may kapansanan, buntis at may kasamang bata.

Ayon sa mga pasahero ng MRT:

“Salamat at magagamit na. Ilang beses na ako naglalakad sa hagdan. Nahihirapan talaga kami umakyat sa hagdan sa panahon ngayon lalo na ang senior. Hirap na hirap na talaga kami.”

“Mahalaga talaga ang escalator kasi lalo na doon sa mga medyo nahihirapang lumakad.  Kailangan talaga ‘yong escalator. “

Target naman ng bagong maintenance provider na gawing fully operational ang lahat ng mga escalators ngayong taon.

(Asher Cadapan, Jr. | UNTV News)

Tags: , , ,

More News