MRT Bus Project ng LTFRB, umarangkada na

by Radyo La Verdad | July 28, 2015 (Tuesday) | 1637

MRT BUS PROJECT
Nagsimula na ang MRT Bus Project ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board

Ang MRT Bus Project ay nagsisimula ng ala-sais ng umaga hanggang alas siete y medya.

Tinukoy ng LTFRB ang mga istasyon na may pinakamaraming pasahero ng MRT, ang North at Quezon Avenue

Magkakaroon ng apat na ruta ang MRT Bus, North Avenue-Ayala, North Avenue-Ortigas-Shaw, Quezon Avenue-Ayala at Quezon Avenue-Ortigas Shaw

Dadating rin ang mga bus kada sampung minuto at ang halaga ng pasahe ay katulad rin ng pasahe sa MRT

Ang mga bus company na makikiisa sa proyekto ay pinahintulutan ng MMDA na makapag operate kahit sa mga araw na sila ay nasasakop ng number coding

Inaasahan na magagawa ng proyekto na mabawasan ang tagal ng byahe ng pasahero ng 30 to 45 minutes

Mayroong walong libong bus sa edsa araw-araw, nilinaw ng LTFRB na hindi ito magkakaroon ng malaking epekto sa traffic sa Edsa dahil limitado ang oras ng kanilang operasyon

Naging matagumpay ang trial period kahapon at nakapag sakay ang mga bus ng mahigit dalawang libong pasahero

Sa loob ng ilang araw ay oobserbahan pa ng LTFRB kung magiging matagumpay ang naturang proyekto bago gawing regular ang operasyon

Tatagal ang proyekto hanggang June 30 sa susunod na taon

Tags: