MRT-3 at LRT-2, may libreng sakay para sa lahat ng senior citizen mula ika-1 hanggang ika-7 ng Oktubre

by Radyo La Verdad | October 1, 2018 (Monday) | 10000

May libreng sakay ang MRT-3 at LRT-2 para sa lahat ng senior citizen simula ngayong araw, ika-1 hanggang ika-pito ng Oktubre.

Bilang bahagi ito ng paggunita sa elderly Filipino week sa bansa, libreng makakasakay sa MRT ang lahat ng senior citizens simula alas singko y medya ng umaga hanggang alas diyes y medya ng gabi.

Sa LRT-2 naman ay alas siete hanggang alas nuebe ng umaga at alas singko ng hapon hanggang alas siete ng gabi.

Kinakailangan lamang na ipakita ng mga pasahero ang kanilang senior citizen ID o kahit anong valid ID na magpapatunay na sila ay 60 anyos pataas.

Tags: , ,