Mr. Public Service Kuya Daniel Razon, ginawaran ng Lifetime Achievement Award ng KBP

by Radyo La Verdad | May 17, 2017 (Wednesday) | 8804


Kinilala ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas ang mga kontribusyon ni Kuya Daniel Razon sa industriya ng pamamahayag sa ikadalawmpu’t limang Golden Dove Awards kahapon.

Iginawad kay Kuya Daniel ang Lifetime Achievement Award na ipinagkakaloob sa mga indibidwal na may malaking ambag sa pagsulong ng broadcast media at nagpamalas ng pambihirang kagalingan sa trabaho.

Nakilala si Kuya Daniel bilang Mr. Public Service dahil sa paglulunsad ng mga programa at proyektong may natatanging konsepto na naglalayong makatulong sa kapwa.

Kabilang na rito ang “Tulong Muna Bago Balita” na kaunaunahan sa Pilipinas.

Sa pangunguna ni Kuya Daniel, lahat ng mga news reporter, anchor, cameramen at staff ng UNTV ay sumailalim sa rescue training upang makatulong sa pagtugon sa mga nangangailangan.

Si Kuya Daniel din ang nagpasimula ng paggamit ng drone technology sa pagbabalita.

Pinatunayan din ni Kuya na maging ang sports at entertainment ay maaaring magamit sa public service sa pamamagitan ng UNTV Cup at Wish FM 107.5.

Tiniyak naman ni Kuya Daniel na mananatiling nakatuon sa serbisyo publiko ang anomang programang o proyektong kanyang ilulunsad sa hinaharap.

Samantala bukod sa pagiging Lifetime Achievement Awardee, si Kuya Daniel ay nominado rin bilang best newscaster for radio.

Kasama rin sa mga nominee sa iba’t-ibang category ang ilang UNTV programs tulad ng Good Morning Kuya para sa Best Variety Program, KNC Show para sa Best Children’s Program at 911 UNTV Rescue para sa Best Radio Public Service Announcement Category.

(Leslie Longboen)

Tags: , ,