Motorcycle rider sa Maynila, patay matapos makipagbarilan sa mga pulis

by Radyo La Verdad | August 8, 2018 (Wednesday) | 3775

Dead on the spot ang isang lalaking lulan ng motorsiklo sa engkwentro sa mga tauhan ng Manila Police District sa Baseco Compound, Port Area Maynila pasado alas dose ng madaling araw kanina.

Walang pagkakakilanlang ang suspek na tinatayang may edad na tatlumpu hanggang tatlumpu’t limang taong gulang at may taas na 5’9″.

Ayon sa mga otoridad, umiwas ang suspek sa checkpoint sa lugar kung saan nagsasagawa ng anti-criminality operation ang pulisya katuwang ang mga kawani ng Barangay 649.

Dinala sa Ospital ng Maynila si PO1 Salustiano dahil sa tama ng bala sa kaliwang braso.

Na-recover sa suspek ang isang trenta y otsong kalibre ng baril na may apat na bala at isang itim na body bag na naglalaman ng dalawangdaang piso at tatlong sachet ng hinihinalang shabu.

Nasabat rin sa suspek ang isang itim na SYM motorcycle na walang plaka na ginamit nito sa tangkang pagtakas. Napag-alaman ng mga otoridad na isa rin ito sa apat na mga suspek sa pamamaril sa lugar noong nakaraang gabi.

Tinukoy ng isang residente sa lugar ang parehong motorsiklong ginamit ng nabaril na suspek. Patuloy pang iniimbestigahan ng mga pulis ang insidente.

 

( Asher Cadapan Jr. / UNTV Correspondent )

Tags: , ,