METRO MANILA -Maaari nang mag angkas ang mga motorcycle rider kahit nasa ilalim ng Modified Enhance Community Quarantine(MECQ) ang Metro Manila at ilang karatig lalawigan.
Ayon kay Directorate for Operations Chief PMGen. Emmanuel Licup, sa ngayon ay pinapayagan na rin kahit hindi mag asawa at magkasama sa bahay bastat magkakilala .
“We allow fillon riding even if your not couples here in Metro Manila and in the neighbouring provinces Laguna, Rizal, Bulacan and Cavite…. Because wala po tayong public transport so it has been agreed” ani Directorate for Operations Chief PMGen. Emmanuel Licup.
Ayon naman ni Joint Task Force Corona Virus Shield Commander LTGen. Guillermo Eleazar, dapat ay essential worker o apor ang sakay ng motorsiklo at ihahatid ito sa trabaho.
Dapat ay hindi rin binayaran o for hire ang motorsiklong sinasakyan.
Kailangan ding mayroong protective shield sa pagitan ng motorcycle rider at backride.
Kung dadaan sa checkpoint, ipakita lamang ang company ID o ang employment certificate.
(Lea Ylagan | UNTV News)
Tags: Back Riding, MECQ Areas, Motorcycle