Inihahanda pa ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang mga regulasyon na isusumite sa COMELEC upang ipagbawal ang motorcade at rally sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila
Nitong martes lamang nagsimula ang campaign period subalit nagdulot na ng mabigat na traffic dahil sa kick off rally ng mga pulitiko sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila
Sa ngayon, maituturing na isa lamang traffic violation ang mga motorcade kapag ito ay nakakasagabal sa daloy ng trapiko
Habang wala pang regulasyon mula sa COMELEC ay maaari pang magdaos ng motorcade ang mga pulitiko sa mga main road
Subalit kapag na aprubahan na ito ng COMELEC doon pa lamang ito maituturing na election offense batay na rin sa omnibus election code na nagbibigay ng kapangyarihan sa COMELEC lalo na tuwing election period
Nakiusap rin ang MMDA sa mga kumakandidato na hanggat maaari ay huwag magsasagawa ng mga rally malapit sa mga main road
Martes, bagamat sa Plaza Miranda ginawa ang kick off rally nina Senador Grace Poe ay apektado naman ang traffic hanggang España at sa Quezon Avenue
Labing siyam na lansangan sa Metro Manila ang mahigpit na babantayan ng MMDA, kabilang dito ang EDSA, C5, Quezon Avenue, Marcos Hiway, Commonwealth, España, E.Rodriguez Sr.Avenue, Ramon Magsaysay Avenue, President Quirino Avenue, Aurora Blvd, Ortigas Avenue, Shaw Blvd., Mia Road, Domestic Road, Roxas Blvd, Araneta Avenue, A.H. Lacson St., Rizal Avenue at Bonifacio Avenue
Ayon sa MMDA, sobra na ang bigat ng traffic sa mga naturang lugar lalo nasigurokapag dito pa idinaos ang mga motorcade at rally
Mangangailangan naman ng permit mula sa lokal na pamahalaan ang mga magsasagawa ng motorcade at rally sa mga secondary road at plaza.
(Mon Jocson/UNTV News)