Motion to travel ni Junjun Binay, pinagbigyan ng Sandiganbayan

by Radyo La Verdad | August 11, 2016 (Thursday) | 1405

MON_MOTION
Pinayagan ng Sandiganbayan third division ang kahilingan ni dating Makati Mayor Jejomar Erwin “Junjun” Binay na makabiyahe sa labas ng bansa upang makapagpacheck -up ang bunsong anak sa isang immunologist.

Naksaaad sa kanyang mosyon na kailangan nila ng second opinion ng mga eksperto sa Estados Unidos sa sakit ng kanyang anak na staphylococcal scalded skin syndrome.

Ito ay isang kondisyon kung saan ang balat ay namumula, nagbabalat at kadalasang nagdudulot ng sugat.

Batay sa resolusyon ng anti-graft court, pinapayagan si Binay na umalis sa august 15 ngunit kinakailangan niyang bumalik ng August 24.

Six hundred eighty thousand pesos naman ang itinakdang travel bond na binayaran ni Binay bilang paniguro na tutupad siya sa mga kondisyon ng pagpayag na siya ay makalabas ng bansa.

Limitado ang biyahe ni Binay sa Los Angeles, California at hindi ito pinapayagan na makapunta sa iba pang lugar.

Bago pagbigyan ay sumailalim sa isang conditional arraignment ang dating alkalde at nagplead ng not guilty sa 4 na graft case, isang malversation at anim na falsification of documents.

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)

Tags: ,