Magtutungo ngayong araw sa Department of Justice ang Philippine National Police Anti Illegal Drugs Group upang maghain ng motion for reconsideration.
Kaugnay ito ng na-dismiss na kaso ni Lieutenant Colonel Ferdinand Marcelino na paglabag sa dangerous drug act of 2002 dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensya.
Matatandaang naaresto sina Marcelino at isang Chinese national sa mismong pagawaan ng shabu sa Sta. Cruz, Maynila noong Enero.
Subalit dinismiss ng DOJ ang kaso laban sa dalawa dahil sa umano’y kabiguan ng operatiba na patunayan ang pagkakasangkot ng mga ito sa operasyon ng illegal na droga.
(UNTV RADIO)
Tags: Lieutenant Colonel Ferdinand Marcelino, Philippine National Police Anti Illegal Drugs Group