Hindi pinagbigyan ng Sandiganbayan 7th division ang motion for reconsideration ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon sa kasong graft, malversation at direct bribery.
Sa mosyon ni Biazon, sinabi nito na wala siyang kontrol sa kanyang Priority Development Assitance Fund o PDAF kung kayat hindi ito dapat pagbatayan na upang makakitaan ng probable cause laban sa kanya.
Ngunit ayon sa resolusyon, hindi kombinsido ang 7th division sa mga argumento ni Biazon kung kaya’t pinagtibay nito na mayroong probable cause sa kaso.
Nakaskedyul na upang basahan ng sakdal si Biazon sa September 6 sa Sandiganbayan.
Tags: asong graft, hindi pinagbigyan ng Sandiganbayan, malversation at direct bribery, Motion for reconsideration ni Cong.Ruffy Biazon