Motion for reconsideration ng 1 pulis na sangkot sa Maguindanao Massacre, ibinasura ng CA

by Radyo La Verdad | March 3, 2022 (Thursday) | 472

Hindi tinanggap ng Court of Appeals (CA) ang isinumite na motion for reconsideration ni Senior Police Officer 2 (SPO2) Badawi Bakal, sa pagkakasangkot nito sa Maguindanao massacre noong November 2009.

Ayon sa resolution na inilabas ng korte noong February 21, walang nailabas na bago at sapat na ebidensya si Bakal na maaaring magpabago ng desisyon ng korte na hatulan siyang accessory sa nangyaring krimen.

Una nang na-acquit si Bakal ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) noong December 2019.

Sa desisyon ng CA noong June 14, 2021, inabuso ni Bakal ang pagiging pulis nito nang ilihim ang identity ng mga akusado sa krimen dahilan ng hindi maagang pagkakaaresto sa mga ito.

Nasintesyahan si Bakal ng 4 na taon at 2 buwan ng prison correccional bilang minimum sa 10 taon ng prison mayor sa bawat 57 counts of murder.

(Sunny Mhon Torres | La verdad Correspondent)