Mosyon Ni Sen. Bong Revilla na makadalo sa huling sesyon sa senado, hindi pinagbigyan ng Sandiganbayan

by Radyo La Verdad | June 6, 2016 (Monday) | 1271

Bong-Revilla
Mananatili muna si Sen.Bong Revilla sa PNP Custodial Center ngayong linggo.

Ito ay matapos siyang hindi payagan ng Sandiganbayan 1st division na makadalo sa mga huling sesyon ng senado ngayong araw hanggang sa Miyerkules.

Ayon sa senador, nais niya sana magampanan ang kanyang mga huling tungkulin bago matapos ang kanyang termino sa June 30.

Ngunit ayon sa korte, ngayong denied na ang kanyang bail petition, at isa nang detainee, hindi maaaring gampanan ng senador ang kanyang tungkulin sa kahit anong business o ano pang trabaho habang nakakulong.

Hindi rin aniya makukunsiderang emergencgy situation ang hiling ng senador upang payagan ito.

Samantala, humihiling naman si Sen.Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan 5th division na payagan pa rin siya na makapunta sa senado ngayong linggo upang likumin ang mga gamit sa kanyang opisina.

Ayon sa Sandiganbayan, bilang isang detainee, nararapat lang na maging limitado ang kanyang galaw, at huwag mabigyan ng special treatment.

Sa inihaing motion for reconsideration sa desisyon ng korte, sinabi ng senador na kinakailangan ang kanyang presensya sa opisina upang i-oversee ang paglilikom ng kanyang mga gamit.

Bagaman, maaari naman aniya gawin ang pagapruba sa pagtuturn over ng gamit sa labas ng senador, nais pa rin ng senador na isupervise ng segregation ng mga ito.

Kasalukuyang nakaditine si Estrada at Revilla sa PNP Custodial Center dahil sa kasong plunder kaugnay ng PDAF Scam.

(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)

Tags: , ,