Bigo ang Makabayan bloc na kumbinsihin ang joint congressional panel sa Mamasapano clash na makapagpadala ng 20 tanong kay Pangulong Benigno Aquino III.
Sa pagsisimula ng pagdinig, nabigo na makakuha ng sapat na boto mula sa mga miyembro ng Committee on Public Order and Safety at Committee on Peace, Reconciliation and Unity ang mosyon ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na makapagpadala ng katanungan kay Pangulong Aquino.
Partikular na tinutulan ni Rep. Egay Erice ang mosyon ni Colmenares sa pagsasabing kung papayagan ito, maaaring magpadala rin ng kanya-kanyang tanong ang mga kongresista at imposibleng masagot ito lahat ni PNoy.
Iginiit naman ni Committee on Peace Chairperson Rep. Jim Hataman-Salliman na nagkapagdesisyon na ang joint committee na hindi pwedeng imbitahan ang Pangulo gayundin ang pagpapadala ng mga katanungan sa Malakanyang.
Tags: Mamasapano probe., Neri Colmenares