Magpapatupad ang Metro Manila Development Authority (MMDA) dalawang linggong moratorium o pansamantalang pagpapatigil sa lahat ng road repairs sa buong Metro Manila ngayong holiday season.
Ang moratorium ay epektibo simula December 14 ng gabi hanggang sa January 3, 2016.
Ang pansamantalang pagpapatigil ng road repairs ay upang mabawasan ang inaasahang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa mga lansangan habang papalapit ang long holiday.
146 projects na ginagawa ng Department of Public Works and Highways sa buong Metro Manila ang inaasahang maaapektuhan ng naturang kautusan.
Sakop din ng moratorium ang paghuhukay ng mga private companies gaya ng mga water concessionaires at telecommunication companies.
Kaugnay nito ay makikipag-ugnayan ang MMDA sa mga Local Government Officials (LGUs) upang ipagpaliban muna nila ang kanilang mga proyekto at nang hindi maapektuhan ang daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan.