Money ban checkpoint, ipinag-utos ng Comelec sa PNP

by Radyo La Verdad | August 23, 2023 (Wednesday) | 5156

METRO MANILA – Ipinagutos ng Commission on Elections (COMELEC), ang pagsasagawa ng money ban checkpoint 5 araw bago ang halalan.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, layon nito na maiwasan ang paglaganap ng vote buying sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa darating na Oktubre.

Gayunman, sinabi nito na mayroon namang exemption sa naturang prohibisyon, lalo na kung lehitimo naman ang pagdadala ng malaking  halaga ng pera.

Ayon naman kay PNP Public Information Office Chief  PBGen. Red Maranan,  tatalima sila sa utos ng Comelec.

Dagdag pa ni Chairman Garcia,  maging ang pamimili ng boto gamit ang mga electronic money transfer ay imomonitor din ng Comelec.

Tags: ,