Modernization program ng AFP, patuloy patuloy ayon kay Pangulong Aquino

by Radyo La Verdad | December 21, 2015 (Monday) | 1092

JERICO_PNOY
Magpapatuloy pa rin ang Modernization program ng Armed Forces of the Philippines sa ilang buwang nalalabi sa termino ni Pangulong Benigno Aquino III.

Pahayag ito ni Pangulong Aquino kasabay ng ika 80 anibersaryo ng AFP sa Clark Airbase Pampanga kanina.

Ayon sa Pangulo, hindi pa aniya tapos ang pagpapalawak sa kaalaman ng hukbong sandatahan ng bansa.

Katulong aniya ng kanyang administrasyon ang bansang Japan at Estados Unidos bilang strategic Partnership sa pagpapalakas ng puwersa ng bansa.

Bukod dito, Ipinagmalaki ng pangulo ang mas malawak na reporma sa AFP sa ilalim ng kaniyang administrasyon kumpara sa mga nakalipas na pamahala.

Sa ilalim aniya ng kaniyang administrasyon, nakapagtala na ng anim na put limang proyekto na tinatayang nagkakahalaga ng PhP 56.79 bilyon para sa mga unipormadong hanay .

Samantala, bilang huling pagharap ng Pangulo sa kasundaluhan, sinamantala nitong magpaalam at magpasalamat sa mga ito dahil sa serbisyong ipinakita ng mga ito sa ilalim ng kaniyang pamamahala.

Hinamon naman nito ang sandatahang lakas na makatulong para matiyak ang mapayapang halalan sa susunod na taon.

(Jerico Albano / UNTV Radio Reporter)

Tags: