METRO MANILA, Philippines – Ipinakita ng Department of Transportation (DOTr) ang mock-up station models na magsisilbing prototype ng itinatayong kauna-unahang underground rail line ng Pilipinas.
Magkakaroon ng labing limang istasyon ang Metro Manila Subway mula sa Quirino Highway sa Quezon City hanggang sa NAIA terminal 3 at sa FTI.
May apat na common station din ito na konektado sa LRT at MRT.
Accessible din ang mga istasyon ng subway sa mga land based transport tulad ng bus, taxi at jeepney.
Sa bilis naman na 80 kilometers per hour, aabutin lang ng tatlumpu’t isang minuto ang byahe mula Quezon City patungong NAIA terminal 3.